Saturday, October 20, 2018

Ano ang Vertigo o Pagkahilo?

Ang Vertigo ay isa sa mga sakit na hindi natin minsan nauunawaan o minsang hindi pinapansin na sakit. Hindi eto masyadong sineseryoso ng mga tao sa kadahilanang naipapahinga lang o sa tingin ng iba ay pagod lamang.

Naranasan niyo na bang mahilo at magkaroon ng parang sumisirit sa tainga? Sa unang makaranas ka nito ay matataranta ka.  Subalit huwag matakot, ang kailangan mo lang ay sapat na kaalaman kung ano ang sanhi ng pagkahilo at bakit nangyayari ito sa iyo.  Ayon sa mga eksperto, maraming uri ng pagkahilo, at isa na rito ang pagkakaroon mo ng “Vertigo.”
Ano nga ba ang Vertigo? Ang Vertigo ay ang pinakamadalas na dahilan na problema sa loob ng tainga (inner ear problem).  Nag-uumpisa itong problema sa sipon o trangkaso.  Matagal itong gumaling at minsan ay umaabot sa 2-3 linggo ang pagkahilo.  Dagdag pa niya na maraming dahilan ang pagkahilo na kadalasan ay hindi naman delikado.
Narito ang ilan sa mga pangkaraniwang sanhi ng pagkahilo:
  1. Problema sa mata – Kung malabo na ang iyong mata, puwede kang mahilo sa pagbabasa. Kung madalas mag-computer, nakahihilo rin. Dapat ay ipahinga ang mata at tumingin sa malayo para marelaks ito. Magpagawa ng salamin o dili kaya’y baguhin na ang grado ng salamin.
  2. Problema sa tainga – Isa pang pangkaraniwang dahilan ng pagkahilo ay ang sakit sa tainga. Nasa tainga kasi natin ang vestibular system kung saan nagmumula ang pakiramdam natin sa balanse at paggalaw. Kung may dumi o impeksiyon sa tainga, puwede itong magdulot nang matinding pagkahilo (vertigo). Kaya kailangang kumonsulta kaagad sa doctor. Ang ganitong hilo ay tumatagal ng mga isang buwan bago humupa.
  3. Presyon ng dugo – Kung ika’y may high blood, puwede kang mahilo at manakit ang iyong batok. Kung ikaw naman ay low blood, anemic at maputla, puwede ka ring mahilo. Dapat ang blood pressure natin ay nasa pagitan ng 140/90 ang pinakamataas at 90/60 ang pinakamababa.
  4. Nerbiyos – Ang mga nerbiyosong tao ay madalas din mahilo. Kapag kinakabahan, natatakot o nakasaksi ng nakahihindik na bagay, puwede silang mahilo. Ang tawag dito ay panic attack o nerbiyos. Kailangan lang nila na magpahinga at uminom ng pampa-relax na reseta ng doktor.
  5. Kulang sa oxygen – Minsan naman ay may nahihilo o nahihimatay sa isang mataong lugar tulad ng simbahan o rally. Dala ito nang matinding init at dami ng tao. Kailangan lang mag pahinga, magpahangin at mawawala rin ang hilo.
Narito ang ilang sa mga solusyon o kelangang gawin para maiwasan o maibsan ang Vertigo:
  1. Kapag matindi ang pagkahilo, umupo sa isang tabi at huwag gumalaw. Kung pakiramdam mo ay aatake ang iyong hilo, huwag maglikot dahil baka lalo ka lang mahilo.
  2. Kung hindi naman grabe ang iyong pagkahilo, ituloy lang ang iyong normal na gawain. Maglakad at mag-ehersisyo. Gusto natin mapanatili ang lakas ng iyong katawan para hindi kayo matumba.
  3. Humawak sa isang matatag na bagay sa tabi mo. Kapag nahihilo ka, minsan ay nalilito ang iyong utak sa iyong pagka-balanse. Ang paghawak sa isang silya o mesa ay makapagpapabawas sa iyong hilo.
  4. Dahan-dahan lang sa pagtayo mula sa iyong kama. Sa umaga, siguraduhing “gising” na ang iyong mga paa at kamay. Baka wala pang lakas ang iyong tuhod at matumba ka. Umupo muna ng isang minuto bago tumayo.
  5. Kung ang hilo mo ay dahil sa biglang pagtayo, galaw-galawin ang iyong hita at paa. Ito’y para manumbalik ang sirkulasyon ng dugo sa iyong katawan.
  6. Magsuot ng ˛ at na sapatos. Huwag magsuot ng may takong (high heels) dahil mahihirapan kang mag-balanse. Maganda ang rubber shoes para matatag ang iyong paglalakad.
  7. Magdala ng ˛ ashlight habang naglalakad sa gabi. Kailangan mo ng sapat na ilaw para hindi madapa.
  8. Huwag maglakad sa ibabaw ng carpet. Kapag makapal ang carpet, mahihirapan ang iyong katawan mag-balanse. Para bang lagi kang matutumba.
  9. Maglagay ng mga hawakan sa banyo. Magsapin din ng gomang tapakan sa banyo para hindi ka madulas.
  10. Bawasan ang alat at asin sa iyong pagkain. Kapag mahilig ka sa maaalat, puwedeng dumami ang iyong tubig sa katawan, pati na rin sa loob ng tainga. Minsan ay nagdudulot din ito ng pagkahilo.
  11. Uminom ng salabat. Ang luya at mainit na tubig, na ginagawang salabat, ay napakabisa laban sa hilo. Subukan ito.
  12. Puwede ring uminom ng gamot tulad ng meclizine 25 mg tablets. Ayon sa pagsusuri, kasing bisa ito ng salabat.
  13. Huwag uminom ng alak. Kung nahihilo ka na ay huwag nang magpakalasing pa. Doble disgrasya iyan.
  14. Uminom ng 8-12 basong tubig. Kapag kulang ka sa tubig, puwedeng bumaba ang iyong blood pressure.
  15. Matulog ng 7-8 oras sa gabi. Kapag kulang ka sa tulog, mas hilo ka rin sa umaga.
  16. Magbawas ng stress. Ang taong ninenerbiyos ay madalas ding makaramdam ng pagkahilo.
  17. Magrelax. Huminga nang malalim at dahan-dahan ng pitong beses.
  18. Subukang pisil-pisilin ang balat sa pagitan ng mata. Isa itong acupressure point.
  19. Suriin ang iyong gamot. May mga gamot na puwedeng maging sanhi ng pagkahilo, tulad ng aspirin, gamot sa altapresyon at diabetes. Kumunsulta sa iyong doktor para masuri ito.
Kung may kakaibang nararamdaman sa tainga o sa mata, magpasuri sa EENT (eyes, ears, nose and throat) doctor.

Source: KMC

No comments:

Post a Comment

Isang Rare Eye Condition, ay dahilan ng Pagkahenyo ni Da Vinci, Ayon sa Pananaliksik

Isang Rare Eye Condition ang tumulong kay Leonardo da Vinci na magpintura na may  layong distansya at may depth o lalim sa mga flat surfa...