Isa sa dalawang maswerteng nanalo at hahati sa mahigit P1 billion na jackpot sa ultra lotto, kumubra na ng kanyang premyo nitong Martes. Ang kabuuan ng parte na napanalunan nito ay P590,311,264.00 na tatapyasan ng 20% tax kaya ang total ng maiuuwi nito ay nasa P472M.
Lalaki, middle age at galing sa masa ang maserteng winner na nauna nang kumubra ng kanyang premyo. Ayon pa sa kwento ni Arnel Cansas,assistant general manager for gaming ng PCSO, nangutang pa umano ng pamasahe ang lalaki na may kasama pang isang lalaki, para makuha ang kanyang premyo. Mula umano sa Samar ang lalaking winner.

"Marami na siyang dalang biyaya para mabayaran ang kanyang utang," ayon kay Cansas. "Ingatan ang pera, gamitin nang maayos at nawa’y marami siyang matulungan pa na mga kababayan, makapag-create ng job opportunities sa ilan nating kababayan," paalala pa nito. Samantala, ang isa pang nanalo na mula sa Albay ay hindi npa kinukuha ang kanyang parte at mayroon lamang itong 360 na araw para magtungo sa tanggapan ng PCSO. Sakaling hindi nito makuha, mapupunta sa charity fund ang pera. Nakuha ng dalawa ang maswerteng kombinasyon na 40-50-37-25-01-45.
source: KAMI
No comments:
Post a Comment